Wednesday, December 02, 2015

Harana Chapter 8: I Would Runaway With(out) You

Past Harana Chapters:
    * Chapter 1
    * Chapter 2
    * Chapter 3
    * Chapter 4
    * Chapter 5
    * Chapter 6
    * Chapter 7

Harana Chapter 8: I Would Runaway With(out) You
December 11, Friday, ang bigayan ng class card para sa first sem. Thursday night pa lang ay hindi na mapakali si Ash; naiisip n'ya ang mga pinaggagawa niya noong nakaraang sem kung sapat na ba 'yon para makakuha siya ng mataas na marka. S’ympre kasama si Trey sa mga nagunita n'ya.
Habang papalapit si Ash sa Engineering Building ay umikot-ikot at sumunod-sunod ang pusang kanyang kinagigiliwan, si Estrella Monella. "Ming-ming, alam ko na kung bakit ka nandito, alam mong bagsak ako noh?," agad na bati ni Ash.
"Miaoooo," isang ungol lang ang narinig ni Ash mula sa pusa bago ito lumiban sa kanyang pagbati at nagtago sa halamanan. Tamang-tama naman ang pagkakita ni Ceres sa kanya bago pumasok sa building.
"Gandang umaga friend! Are you excited to repeat your first sem? JOKE!" biro ni Ceres.
"Kaya nga ayaw kong tumingin ng grades online eh." sinabi ni Ash habang papunta sila ng college faculty.
"That's super ok. Many felt that on their first time. Virgin ka pa nga! Hahaha!" banat ni Ceres.
Pumasok na si Ash sa faculty room upang hanapin ang kanyang mga professors para sa kanyang performance over the last semester. Nang makuha ni Ash ang kanyang grades ay hindi ito makapaniwala na pumasa pa s'ya sa Calculus at Algebra bilang tuliro pa s'ya sa mga panahong nagfi-finals. Sabi n'ya sa sarili n'ya na hindi na ito mauulit dahil dapat uno ang kanyang makuha next time at hindi 2.5.
Pero napaisip din siyang bumalik na lang ng probinsya para roon ipagpatuloy ang pag-aaral.
Paglabas ng faculty ay agad na lumapit si Ash kay Ceres at niyakap ito.
"Muntik na akong bumagsak."
"OH-EM-GEE!!! You passed!!!" tuwang-tuwang bati ni Ceres. "You know from other batches it's either you pass or fail one of the subjects you took along with other subjects," pagpapalubag-loob pa n'ya.
"But these grades are my lowest sa tanang academic life ko," malungkot na sambit ni Ash na kinayag na ang kaibigang umalis.
"You still have to be happy, at least you didn't fail."
"I think I should go back to Naga."
"Seriously?!!!"
"I think I have to find my core again after almost failing. Balik na ako siguro agad bukas, at saka Christmas break din naman."
"Oh I see. If you needed that, then go ahead."
"And...for good na rin siguro," medyo may pag-aatubiling sagot ni Ash.
"WHAT?!!! Agad-agad?!!!" gulat ni Ceres dahil malalayo ang isang taong napalapit na nang husto sa kanilang bakarda, lalo na sa kanya.
~~~

Pagkaparada ng kotse ni Trey nang alas-siete impunto ng umaga ng Sabado ay kinuha nito ang gitara sa likod ng kanyang kotse para sa make-up project n'yang song composition. Ganito kaaga sinet ng professor n’ya ang meeting dahil aalis daw ito agad ng faculty dahil may kukunin lang na mga gamit at may flight pa s’ya ng 10:00 a.m. papuntang Cebu.
Hindi pa man nasasara ni Trey ang pinto ng kotse ay biglang tumawag si Ceres.
"Yes, Ceres? What's up with this early call?" bungad ni Trey.
Sinabihan lang ni Ceres si Trey that Ash will go back to Naga for good today, and she's asking him if he can ask Ash to come back after break to continue his UP education, because she wasn't able to change his mind from leaving.
Ikinagulat ni Trey ang balita na agad sinara ang bukas pang pinto ng kotse at dali-daling tumakbo ng faculty upang ipasa ang recorded composition para maipasa ang incomplete n'yang subject. Buti na lang ay maaga ang schedule nila ng kanyang professor. Agad din naman nitong tinanggap ang kanyang project, at hindi na rin pinatugtog sa kanya ng live.
Nagmamadaling bumalik si Trey ng kotse kahit 7:30 a.m. pa lang, inilagay sa front passenger seat ang dalang gitara, at agad na tinawagan ang numero ni Ash sa cellphone.
Ito ang unang beses na isa sa kanilang dalawa ang gumawa ng paraan para magkausap sa kabila ng mahabang hindi pagpapansinan. Ngunit out of coverage area si Ash. Maka-ilang ulit pang tumawag si Trey, but to no good, he wasn't able to reach Ash.
"Grrrrrrrr!!! Don't get my patience again Ash! Get your phone a signal!" medyo naiinis na sambit ni Trey habang pinapaandar ang kotse para umalis ng school at puntahan ang dorm ni Ash.
~~~
Nag-aabang na ng trike pa LRT2 si Ash, papunta siyang Cubao. Hinahabol kasi n'ya ang 8:00 a.m. na schedule ng bus para maliwanag pa ‘pag nakarating na s'ya ng Naga.
Isang malaking black with red accent duffle bag lang ang dala ni Ash; nandito na lahat ng kanyang gamit, maging ang suit na binili ni Trey para sa kanya noong araw na nag-crash sila ng wedding sa Batangas.
Nang makarating sa sakayan ng jeep pa-Cubao ay agad bumungad sa kanya ang mga nag-aabang na jeep malapit sa LRT2.
"Ohhh Cubao! Cubao! Cubao! Cubaoooo! Lalarga na!" sigaw ng barker ng jeep na naka-puti at medyo manilaw-nilaw na sando. Wala rin itong buhok at ang pantawag niya ay ang bimpong kanyang pamunas ng pawis.
Nagmadaling umakyat si Ash sa likod ng jeep na halos lima lang ang sakay. Ibinulong ni Ash sa sarili na: Ito na talaga, wala nang atrasan. Paalam na sa inyo...lalo ka na Trey; habang nakatanaw sa labas ng jeep.
Sumabit na rin ang kalbong barker ng jeep sa likod nang maka-akay pa ng tatlo pang pasahero at umandar na ang jeep papuntang Cubao.
~~~
“Shit,” mura ni Trey habang tinatawagan pa rin ang cellphone ni Ash. All Trey could hear on the other line was “blah blah out of coverage,” at inis niyang binaba at binulsa ang phone bago bumaba sa kotse. Tumakbo siya sa dorm lobby at tinanong ang front desk, ngunit binalita sa kanya na Ash left almost an hour ago.
“Where the fuck are the buses that go to Naga,” isip niya sa sarili. Tinawagan niya si Ceres, tinanong kung saan kaya pwedeng sumakay si Ash.
“In Cubao, Trey! Try mo sa Pe├▒afrancia, o sa Isarog or…DLTB! Go!”
Trey ran to his car and started it, peeling out of the dorm driveway. All he could hear in his head was: Duwag ka kasi. You found a little good in your life and you wussied out. Tanga. Gago.
He shook the words out of his thoughts. Determinado niyang binulong sa hangin, “I’m coming for you, Ash.”
~~~
Agad pumila sa ticketing booth si Ash pagdating ng DLTB Co. bus station para sa 8:00 a.m. na biyaheng pa-Naga, dahil mas mura ito sa ibang biyahe at aircon pa.
"Isa pong Naga ng 8:00 a.m. kung mayro’n pa po?" pagtatanong ni Ash sa matabang mamang nagbebenta ng ticket.
"May lima pa. Pero iho delayed ng 30 minutes yung biyahe ha, pinapa-vulcanize pa yung gulong," bungad sa kanya ng concerned sa si manong ticketing booth.
"Ok lang ho, basta may upuan pa."
"Six-hundred fifty pesos lang."
"Ito ho, estudyante...Salamat"
"I.D.?" pag-usisa ni manong.
"Ito po." pag-abot ng student I.D. ni Ash.
"Oh ito ticket mo at sukli. Doon ka muna mag-abang sa may kumpol ng tao doon, sila yung eight o'clock na pa-Naga."
"Ah ok po. Salamat ulit," pasasalamat ni Ash dahil mabait si manong ticketing booth, saka ito sumama sa kumpol ng mga tao sa corner ng bus station; inilabas ang head set at isang libro at naupo sa sulok.


~~~
Dumating si Trey sa bus station at nagmamadaling hininto’t pinarada ang kotse sa harap ng mga bus. Lumabas siya ng kotse nang may lumapit na kundoktor sa kanya at nagsasabing “Ser, bawal pong pumarada diyan, ser.”
“Teka lang boss,” pag-awat ni Trey, at tumakbo sa isang nakaabang na bus na may “NAGA” sa signboard. Pumasok siya’t sumigaw ng “Ash!” but noticed na wala palang tao sa loob. Bumaba siya’t tinanong ang nakabantay na konduktor, “Magsasakay pa lang ba ‘to?”
“Mga 30 minutes pa po, ser. Inaayos pa po yung gulong.”
“May nauna na bang bus?”
“Opo, ser. Lampas isang oras na ang nakalipas, ser.”
Too early, isip ni Trey. He wouldn’t have made that bus. Tinignan niya ang mga pasaherong naka-upo sa bangko at mga bumibili pa lang ng ticket, ngunit di naman n’ya makita si Ash. Napahinto na lang siya sa harap ng kundoktor.
Tumakbo si Trey sa kanyang kotse’t lumabas sa kalsada at iniwan nitong nagtataka ang konduktor. Nang mapansin ng konduktor na sinesenyasan s’ya ng bus driver, doon n’ya nilapitan ang kumpol ng mga tao sa sulok ng station at nagtawag, “O, yung mga papuntang Naga diyan, sakay na ho!
Nagsimulang gumalaw ang mga pasahero at lumingon si Ash mula sa pagbabasa ng kanyang libro, sinubukang intindihin ang nangyayari nang naka-earphones, at sumunod na lamang sa pila.
~~~
Papauwi na si Trey sa Kamias Road pagkatapos ng kalahating oras ng pag-iikot sa mga bus station, pagpasok sa mga bus, paghiyaw, pagtingin sa mga mukha ng mga pasahero, pagiging crazy at frustrated, at pagkawala ng pag-asa. Nakatunganga na lamang siya sa kalye, waiting for the light to go green, go green, when the thought finally crossed his mind:
You’ve lost him.
Trey crossed the light, driving leisurely, aimlessly down the road nang maisipan niya, I need a drink. There has to be a daytime bar here somewhere… Tinabi niya ang kotse para hanapin ang wallet sa likod nang may pusang tumalon galing sa backseat at umupo sa tabi niya.
“What the fuck?!?” bulalas ni Trey. “Damn cat, paano ka nakapasok dito?!?” Inabot ni Trey ang katapat na pintuan at binuksan. “Shoo!”
Doon lang napansin ni Trey na ang pusa pala ay si Estrella Monella. “You. You’re Ash’s cat, aren’t you? Are you here to remind me what a sad, pathetic excuse I am?”
“Miao.”
“Putangina mo rin. I’ve gone so low I’m talking to cats. Go away!” Itutulak na sana ni Trey palabas ang pusa, ngunit tumalon uli ito sa backseat, at nang tignan ni Trey ito ay nakitang may kagat itong bagay sa bibig. “What…” ika ni Trey, habang lumalapit ang tingin sa pusa.
Binitiwan ni Estrella Monella ang U.P. ID ni Trey sa kamay niya. “So gusto mong dalhin kita sa U.P.?” pagtataka ni Trey.
“Miao!”
Nagbuntung-hininga si Trey at sinara ang naiwang bukas na pinto. “Fine. I can probably find something better to distract me there anyway. To U.P. then.” Trey shifted gear and drove off to U.P. na paminsan-minsang minamasdan ang kasamang hayop sa likod. Pinanood ni Estrella Monella ang kanyang driver nang ilang sandali, before she purred contently, laid down on the passenger seat, and closed her eyes for a nap.
~~~
Minulat ni Ash ang kanyang mga mata. Doon lang siya natauhan na nakatulog na pala siya sa bus nang hindi sinasadya, at napansin na wala na siyang kasama maliban sa konduktor at tsuper. Tumingin siya sa labas at minasdan ang mga bukid sa paligid na kulay kahel gawa ng pagtatakipsilim. Napansin niyang hindi pamilyar sa kanya ang nakikita niya sa labas.
“Manong, malapit na po ba ‘to sa Naga?” sigaw niya.
“Eto na po, pwede na po kayong bumaba,” sagot ng konduktor.
Huh? isip ni Ash nang tumigil ang bus. Sinulyapan niya ang labas at nakitang parang tumigil ang bus sa gitna ng kalye, at sa alinmang bintana dumungaw ay bukid lang ang makikita sa karimlan. Matagal siya bago nakatayo sa upuan, tumungo s’ya sa harap ng bus sa may naghihintay at nakangiting konduktor, at ginabayan siya nito sa pagbaba. “Be careful with your heart, ser,” wika nito paglabas ni Ash.
“Ano kamo?” tanong ni Ash paglingon sa konduktor, at pagbalik ng tingin sa labas ay nakitang may lalakeng tumatakbong papalapit galing sa bukid, naka-anino sa harap nang papalubog na araw. Naningkit si Ash, at unti-unting namukhaan na si Trey pala ito.
“Thank God I found you,” hingal na salita ni Trey nang magkaharap na sila. Pansin ni Ash na tumatagaktak ang pawis ng kasama.
“Trey… Paano… Bakit…” Di makapagsalita si Ash at parang nawala na lang lahat ng galit at poot sa kanyang kalooban. Halos mangiyak na siya’t nanginig ang kanyang labi.
“Shut up and kiss me.” Tinanggal ni Trey ang kanyang basang t-shirt, at sandaling nilamutak ng mga mata ni Ash ang kanyang makisig na braso, dibdib, at abs, nang hablutin at punitin ni Trey ang kanyang suot na t-shirt at itinapon. Hinatak siya ni Trey palapit at hinalikan, ang kanilang mga bibig ay parang natutunaw sa isa’t isa. Sumuko ang katawan ni Ash sa paglalapat ng kanilang mga katawan, at kinilabutan siya nang hinaplos ni Trey ang kanyang pisngi at hinila pa siya ng bahagya para sa mas lalong malalim na halikan. Namalayan niya na lang bigla na nandoon pa ang konduktor at tsuper sa likod niya, at dahan-dahan siyang lumingon.
“O, fifteen minutes lang yan a,” babala ng nakangiting konduktor sa pinto. “Fifteen minutes lang po.”
Tinignan naman ni Ash si Trey at tinanong:
“Fifteen minutes?”
Naalimpungatan si Ash at nauntog ang noo sa bintana ng bus. Dinampi niya ang kanyang ulo at pinunas ang laway sa bibig. Nakahinto ang bus, at ang iba sa mga pasahero ay pababa para bumili ng pagkain at mag-CR. Minasdan ni Ash ang mga ito nang magtawag ang konduktor, “Fifteen minutes lang po tayo!”
Lumalim pa lalo sa pag-upo si Ash, kumuha ng pwedeng iunan sa dalang bag, at pinatong ito sa bintana, habang iniirapan ang konduktor. Bwisit ka, manong! Sarap na sana ng panaginip ko.
~~~
Bumaba si Ash ng bus at nakarating ng Naga ng 5:30 p.m. “Totoo na ‘to ngayon,” iniisip niya’t inaalala ang panaginip sa biyahe. Nilakad ang gilid ng kalye at ang mahalamang daanan papunta sa kanilang bahay. Na-overwhelm si Ash dahil ramdam na ramdam na ang kapaskuhan sa kanilang probinsya; ang dati nitong tahimik na bayan ay napalamutian na ng dekorasyong pamasko.
Namiss nga niya talaga ang kanilang lugar, pero namimiss n’ya rin si Trey, lalo pa’t malamig na ang simoy ng hangin.
Tinanggal niya ang kanyang sapatos, yumapak sa sementong hagdan ng kanilang bahay, at humiyaw, “Ma! Pa! Nandito na ako!”
Pagpasok niya ng pinto ay doon niya lang narinig ang usapang nagaganap sa kanilang kusina.
“May bisita kaya?” tanong ni Ash sa sarili. “Ma?... Pa?... Lynlyn?...”
Nakita niya ang likod ng kanyang kapatid na may hinahaplos na pusa. Tumalon ang hayop at nilagpasan si Ash, at namukhaan niya ito -si Estrella Monella?!
“Uy kuya!” bineso ni Lynlyn si Ash bago habulin ang tumakbong pusa.
Doon lang napansin na may kausap ang kanyang mga magulang, na lumingon nang marinig ang pagbati ng kanilang anak. “O, Ash! Nandito ka na pala!” bati ng kanyang ina.
“Di mo naman sinabi na may kaibigan kang darating. Bakit di pa kayo nagsabay?” tanong ng kanyang ama.
Gulat si Ash nang makita nang buo ang bisita. “Trey?!”
~~~
Nag-aagaw dilim na nang maisipang dalhin ni Ash si Trey sa isang mababang burol sa tabi ng bahay nila para doon mag-usap, bitbit-bitbit din nila ang pusang mahiwaga. Ito ang tinatambayan n'ya pag gusto n'yang mapag-isa, dahil dito ay natatanaw n'ya ang kapayapaan ng kanilang barangay.
"Bakit ka nandito? Ayaw kitang makita!" bungad na pag-iinarte ni Ash kahit alam naman n'yang panaginip n'yang nasa tabi n'ya si Trey.
"Hey, hey, hey! I've drove long miles with this furball, then just that?" sagot ni Trey na binigay si Estrella kay Ash na agad din naman nitong kinuha.
"Ming-ming, grabe s'ya noh bigla-biglang susulpot nang walang dahilan? Kinidnap ka pa n'ya...tsk tsk," pagpaparinig ni Ash na huminto na sa paglalakad sa harap ng isang malaking puno ng narra.
"I didn't kidnap her! She hitched in my car. Weird, but I found her sitting at the backseat when I was in one of the bus stations in Cubao. I brought her here because I thought you wanted her," ika ni Trey, tiningala ang punong nasa harap, napa-buntong hininga at medyo may alinlangan bago sabihing... "And to say, I'm sorry Ash."
Kinilig nang bahagya si Ash sa narinig, pero di niya pinahalata at inusisa pa si Trey, "Anong ginawa mo sa bus station eh may kotse ka di ba?"
"Look at me Ash," utos ni Trey while cupping his face, and said "I was looking for you, ok. I don't want to lose you for real. But I wasn't able to find you. I almost gave up when I found your pet, yes your pet cat, which I almost left in Cubao...but I didn't, because she gave me an idea on how to find your personal files."
"What?!! Tinanong mo pa sa registrar ng U.P.?!!"
"Yes Ash, may kaibigan ako doon. I tried to speed up everything para makarating agad dito sa Naga. Iniwasan ko ang traffic, skyway, express ways, tinulungan din ako ng Waze and no stops...full tank naman eh.” medyo proud na pagkukwento ni Trey.
“Edi wow! Kung di lang ulit nasira yung bus eh...”
“And I can’t forget Aling Perlita, tinulungan n’ya akong matunton ang bahay n’yo. I saw her walking in the nearby village, so nagtanong ako. She's from here raw. So I let her ride with me, dahil naawa rin ako sa matanda. I'm seeing my grandma in her."
Hindi makapaniwala si Ash sa effort ni Trey at sa mga revelations nito. Pero tinanong pa n'ya s'ya ulit ng "So...bakit ka nga andito?" na medyo pang-asar.
Hinawakan niya ito sa balikat at sinabing "I'm really sorry Ash," sabay hinalikan sa pisngi.
"Miaooooo!" sigaw ni Estrella na tumalon sa pagkakahawak ni Ash, dahil medyo naipit ng kanilang magkalapit na katawan.
"Ganun lang? Sorry na lang?"
"What do you want me to do?"
"Ganito!" Hinila ni Ash ang ulo ni Trey at hinalikan ng isang beses sa kanang pisngi, tapos sa kaliwa, tapos nagnose to nose.
"Yan lang ba?" Trey cupped again Ash's face and slowly, looks deeply into his eyes, while caressing his cheeks with the back of his hand, then landed a soft kiss in his lips and said "I'm sorry, it won't happen again my baby boy."
~~
At sa wakas ay nakapiling din ni Ash at Trey ang isa't isa. Ngunit, hindi pa nagtatapos dito ang kuwento ng Harana. Sa tingin niyo ba'y mayroon pang pagsusubok na haharapin si Ash o kaya si Trey? Abangan sa Chapter 9 na nakatakdang ilathala sa December 16.

Ikinalulugod naming marinig ang inyong pahayag tungkol sa inyong nabasa, kaya inaanyayahan namin kayo na magbahagi ng inyong mga pananaw sa comments section sa ibaba.
Next Harana Chapters: