Thursday, December 08, 2011

Free HIV Counseling and Testing on December 11






Ano: HIV Confidential Counseling and Testing – it’s FREE! Walang bayad!
Kailan: Sunday, 11 December 2011 (10am to 4pm)
Saan: Playroom – 35 West Avenue, Quezon City



Mga malimit na itanong:
1. Natatakot akong magpa-test. Anong gagawin ko?
Normal na kabahan o matakot ang mga taong nagpapa-HIV test. Kung hindi ka pa talaga ready, okay lang. Mayroon mga trained HIV educators at counselors doon sa event, at maaari mo silang i-konsulta. Hindi ka nila pipiliting magpa-test kung talagang ayaw mo. 
2. Magkano ang bayad para makasali dito?
Ang HIV counseling ay walang bayad, libre. Gayun din ang HIV testing, free of charge din. Kung mas nakaluluwag ka naman sa pera at gusto mong tumulong, taos pusong tatanggapin ng Love Yourself ang inyong donasyon, kahit magkano man.
3. Anong dapat kong dalhin?
Dalhin lamang ang sarili. Hindi ka hihingan ng anuman, kahit pa ng ID.
4. Blood test ito, kailangan ba akong mag-fasting?
Hindi kailangan mag-fasting. Walang bawal kainin o inumin bago magpa-test -- hindi ito makaka-apekto sa HIV test.
5. First time ko itong magpa-test. Ano ba ang mangyayari doon?
Napakabuti ng iyong desisyong magpa-test. Basahin ang sumusunod bilang gabay: What to expect during your HIV test.
6. Ako ay isang babae, tunay na babae. Puwede ba ako magpa-test?
Oo. Ano ka man, babae, lalake, o anuman, maaari kang sumali at magpa-test.
Iba pang katanungan? Email help@loveyourself.ph


Mapa:

View My Saved Places in a larger map